^

Police Metro

Top wanted ng NCR tiklo ng MPD

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines - Arestado ang isang miyembro ng bigtime drug pusher na nakapiit sa New Bilibid Prison (NBP) na umano’y isa sa responsable sa serye ng  paghahagis ng  granada sa istasyon ng pulisya, pagpatay sa isang pulis-Maynila, panlalason sa mga preso, kung saan isa ang nasawi at itinuturo din bilang ‘trigger happy’ ng Tondo at lider ng holdup gang, sa isinagawang operasyon kahapon ng hapon, sa Tondo, Maynila.

Iprinisinta sa media ni Manila Mayor Joseph Estrada  ang suspek na  si Christopher “Toper” Bajar Y Lagoda, 32, ng Aroma Compound, Vitas, Tondo,  at isang granada, na narekober sa kaniyang ‘lungga’ at lima pang suspek.

Dakong alas-3:00 ng hapon nang salakayin ng mga nag-aantabay na pulis ang safehouse ni Toper, sa Bldg. 32 Aroma Compound, Vitas, Tondo. Ang suspek ay tauhan umano ng bigtime druglord na alyas “Briggs” na nakakulong sa NBP dahil sa kasong iligal na droga.

Sangkot din umano si Toper sa pagpatay ng isang pulis na nakatalaga sa Binondo (station 1) at ang nag-utos sa isang babae na dumalaw at magdala ng Tropicana bottled juice at sandwich sa nakapiit na si Francis Mark Morallos na may kasong paglabag sa Republic Act  9165  na kinasawi ng isang Jervy Hernandez, pedicab  driver.

May impormasyon din umano si Toper ang mahilig mamaril ng walang dahilan o ‘trigger happy’ sa kanilang lugar at holdapan sa Tondo.

vuukle comment

AROMA COMPOUND

BAJAR Y LAGODA

FRANCIS MARK MORALLOS

JERVY HERNANDEZ

MANILA MAYOR JOSEPH ESTRADA

MAYNILA

NEW BILIBID PRISON

REPUBLIC ACT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with