^

Police Metro

11-anyos sinilaban ng ama

Angie dela Cruz, - Pang-masa

MANILA, Philippines - Walang awang binuhusan ng thinner at sinilaban ang isang 11-anyos na batang babae ng kanyang sari­ling ama na lango umano sa ipinagbabawal na gamot  habang natutulog ang una  sa loob ng bahay ng suspek  sa Manila South Cemetery sa  lungsod ng Makati.

 Kaagad na dinala sa Ospital ng Makati (OsMak)  ang biktima na itinago sa pangalang Lea, nagtamo ito ng 2nd degree burn,  na balot ng gasa ang kaliwang paa hanggang singit gayundin ang magkabilang kamay.

 Base  sa nakasaad sa  referral sheet ng OSMAK, posibleng ginulpi pa ang biktima ng suspek. Nagsasagawa naman ng follow-up ang pulisya matapos na maghain ng reklamo sa Manila Police District (MPD), subalit ililipat aniya  ito sa Makati City Police, itinanggi naman ng huli na mayroon isinampang reklamo sa kanila.

Nabatid, sa kaanak ng biktima na bumisita lamang ang bata  sa kanyang ama na hindi muna pinabanggit ang pangalan  sa tinitirhan nito sa loob ng Manila South Cemetery, ngunit habang natutulog ang biktima ay ginawa ng suspek ang pagsisilab ng apoy sa biktima. Naapula naman ng pinsan ng biktima ang apoy ngunit nang makita ng suspek ay muli itong sinilaban dahil sa sobrang kalasingan sa iligal na droga.

Sa impormasyong nakalap mula sa nakatalagang guwardya ng naturang sementeryo na si Romeo Amar na naka-duty noon, nagpaalam sa kanya ang ina ng biktima  na pumasok sa sementeryo para sunduin ang bata pero hindi na niya ito nakitang lumabas.??

Kinabukasan na niya nalaman na nag-ober da bakod pala ito para itakas ang anak na dinala na sa naturang pagamutan. Nabatid na matagal nang hiwalay ang mga magulang ng biktima.

BIKTIMA

KAAGAD

MAKATI

MAKATI CITY POLICE

MANILA POLICE DISTRICT

MANILA SOUTH CEMETERY

NABATID

ROMEO AMAR

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with