^

Police Metro

Koko hinamon si Mercado: “I-donate mo ang lupaing bigay ni Binay!”

Malou Escudero - Pang-masa

MANILA, Philippines - Nanawagan si Senador Aquilino “Koko” Pimentel III kay dating Makati Vice Mayor Ernesto Mercado na i-donate ang 4.5 ektaryang bahagi ng “Hacienda Binay” sa Rosario, Batangas na nakarehistro sa pangalan nito.

Sa pagdinig ng Senado sa mga hinihinalang nakaw na yaman ni Vice President Jejomar Binay, inamin ni Mercado na binigyan siya ng 4.5 ektar­yang lupain ng dating alkalde ng Makati noong magkaalyado pa sila.

“Mas marami siyang mapapala at walang mawawala sa kanya kung ibibigay ang lupain sa gobyerno,” diin ni Pimentel sa lupaing parte ni Mercado sa hinihinalang kickbacks ni Binay sa mga overpriced na kontrata sa Makati.

Anya, maaaring ibigay ni Mercado ang lupain sa Department of Agrarian Reform para ipamahagi sa mga magsasakang walang lupa o ipagkaloob ito sa munisipyo ng Rosario, Batangas para magamit ng pamahalaang lokal kung saan naroon ang 150 hanggang 350 ektaryang “Hacienda Binay.”

Sinabi ni Mercado sa Senate Blue Ribbon sub-committee sa ilalim ni Pimentel na kahit nakapa­ngalan sa kanya ang lupa ay lumagda lamang siya sa deed of sale sa utos ni Binay kasabay ng pag-amin na isa siya sa mga dummy ng dating Makati mayor para itago ang mga nakaw na yaman nito.

 

BATANGAS

BINAY

DEPARTMENT OF AGRARIAN REFORM

HACIENDA BINAY

MAKATI

MAKATI VICE MAYOR ERNESTO MERCADO

MERCADO

SENADOR AQUILINO

SENATE BLUE RIBBON

VICE PRESIDENT JEJOMAR BINAY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with