6 menor de edad nasagip sa ‘flesh trade’
MANILA, Philippines – Nasagip ng mga otoridad ang 6 kabataan na umano ay ibinubugaw para sa mga naghahanap ng panandaliang-aliw nang salakayin ang kanilang safehouse sa isang lugar sa Baseco, Port Area, Maynila, kamakalawa ng hapon.
Nasa kustodya na ng pulisya ang anim na kabatang na itinago sa pangalang Myka, 17, ng Valderrama St., Binondo; Andi, 13, grade 5 ng Delpan, Binondo; Era, 14, grade 5, ng Delpan, Binondo; “Mimi”,16, grade 6 , ng Delpan at Frenzy, 14, grade 5, ng Delpan, Binondo, Maynila at Benjie,19.
Ang pagkakasagip sa mga biktima ay nang humingi ng ayuda ang kanilang mga magulang sa MPD Headquarters upang ipagharap ng reklamo ang isang umano’y bading na kilala lamang sa alyas na “Panggo Aramis”, ng Baseco, Port Area.
Ayon sa mga magulang na nakatanggap sila ng impormasyon na ang kanilang anak ay itinatago ng suspek sa safehouse na matatagpuan sa Brgy. 649, Zone 68, District 5, Baseco para ibugaw.
Sa halip na nag-aaral ang mga menor-de-edad ay nagtutungo umano sa nasabing safehouse upang kumita.
- Latest