^

Police Metro

108 AFP peacekeepers pasado sa Ebola screening test

Ricky Tulipat at Ellen Fernando - Pang-masa

MANILA, Philippines – Ligtas sa Ebola virus ang 108 miyembro ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na nagsilbing peacekeepers sa bansang Liberia nang ito ay suriin  bago pa duma­ting pabalik sa bansa.

Ito ang kinumpirma ng pamunuan ng AFP matapos ang mga ito ay suriin ng dalawang doktor at isang paramedic mula sa Pakistani Medical Hospital sa ilalim ng United Nations Mission sa Liberia.

Ang resulta ay ipinarating sa AFP peacekee­ping Center sa pamumuno ni Col. Roberto Ancan.

Magugunita na ang Guinea, Liberia at Sierra Leone ay  mga bansa sa West African na tinamaan ng Ebola outbreaks.

Inaasahang darating ang nasabing mga peacekeepers sa Nov. 11, 2014.

Ang pagsusuri sa Ebola ay requirement para sa mga peacekee­pers bago ang pagbabalik nila sa bansa at ang mga ito ay ika-quarantine sa Cabalo Island sa loob ng 21 araw pagdating sa bansa.

vuukle comment

ARMED FORCES OF THE PHILIPPINES

CABALO ISLAND

EBOLA

INAASAHANG

PAKISTANI MEDICAL HOSPITAL

ROBERTO ANCAN

SIERRA LEONE

UNITED NATIONS MISSION

WEST AFRICAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with