^

Police Metro

‘Boss’ ng carnap gang tigok

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines - Patay ang lider ng isang carnapping group nang  tambangan ng mga hindi pa nakikilalang salarin matapos na dumalo sa pagdinig ng kaso sa Valenzuela City Regional Trial Court, kahapon ng umaga.

Kinilala ang nasawing biktima na si Jommel Salvatiera, lider ng Salvatiera Carnapping Group.

Ayon sa pulisya, naganap ang insidente dakong alas-10:30 ng umaga sa tapat ng Tiera Santa Memorial Park sa may Maysan Road, Brgy. Maysan kung saan kagagaling lang ng biktima sa pagdinig ng kanyang kaso sa Valenzuela RTC Branch 75 at sakay ng kanyang Toyota Innova nang paulanan ng bala ng  dalawang lalaking sakay ng motorsiklo.

Sa rekord, sangkot ang grupo ni Salvatiera sa serye ng carnapping sa Metro Manila partikular sa Calolocan, Valenzuela at Quezon City. Sa teorya ng pulisya, posibleng kalabang sindikato ang nasa likod ng naturang pananambang.

vuukle comment

AYON

BRGY

JOMMEL SALVATIERA

MAYSAN ROAD

METRO MANILA

QUEZON CITY

SALVATIERA CARNAPPING GROUP

TIERA SANTA MEMORIAL PARK

TOYOTA INNOVA

VALENZUELA

VALENZUELA CITY REGIONAL TRIAL COURT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with