^

Police Metro

Testigo nanghuhula lang… Makati Science HS Bldg. ‘di overprice

Ellen Fernando - Pang-masa

MANILA, Philippines - Kinastigo kahapon ng kampo ni  Vice President Jejomar Binay ang isang testigo ng Senate Blue Ribbon sub-committee na nanghuhula uli sa  alegasyon nito na ang Makati Science High School Building na nagkakahalaga ng P1.33 bilyon ay overpriced.

Ayon kay Joey Salgado, hepe ng Office of the Vice President media affairs, na si Renato Bondal ay siya rin na nagpahayag na ang birthday cakes na ibi­nibigay sa mga Makati senior citizens na may kaarawan ay overpriced ng P1,000 at inamin kaagad na hula lang niya iyon.

Magugunita na sa pagharap kamakalawa ni Bondal sa Senado ay sinabi na ang Makati Science High School Building ay overpriced ng P862 million o 283 percent ay pinakamahal umano na national high school building sa bansa.

Sinabi ni Salgado, na tila nakaligtaan ni  Bondal na kwentahin ang kabuuang gastos kasama na ang foundation, finishing, at  facilities.

Unang sinabi ni Bondal mula sa nakuha nitong data mula  sa National Statistics Office (NSO) na ang Makati City Hall Building 2 ay overpriced gayung nilinaw ng NSO na ang  data nila ay base sa  building permit applications at hindi sa aktuwal na gastos sa pagpapagawa kaya’t ang Makati City Hall Building 2 at Makati Science High School ay pumasa sa Commission on Audit.

Kaya hinamon nito si Bondal at Senado na kung tunay ang kanilang alegasyon na  overpriced ang Makati Science High School Building ay magsampa sila ng kaso sa korte.

Hiniling din ni Salgado sa isa pang testigo ng Senado na si dating Makati City general services department head Mario Hechanova na itigil na ang paggamit ng pangalan ng namayapang si  Makati City Engineer Nelson Morales sa  Senate Blue Ribbon sub-committee hea­rings dahil sa hanggang nga­yon ay nagdadalamhati pa rin ang pamilya nito.

BONDAL

BUILDING

JOEY SALGADO

MAKATI

MAKATI CITY HALL BUILDING

MAKATI SCIENCE HIGH SCHOOL BUILDING

SENADO

SENATE BLUE RIBBON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with