^

Police Metro

No.1 pa rin sa survey

Rudy Andal, Ricky Tulipat - Pang-masa

MANILA, Philippines - Sa kabila ng ginagawang pangwawasak dito ng Senado ay muling nanguna si Vice-President Jejomar Binay sa survey sa mga presidentiables.

Si VP Binay ay nakakuha ng 29.3 percent na voters preference kung ngayon gaganapin ang presidential elections sa ginawang survey ng Novo Trends nitong October 24-25 mula sa 1,600 respondents sa Metro Manila.

Nang isagawa ng Novo Trends ang nasabing survey ay kainitan na ng ginagawang ‘pagwasak’ kay VP Binay sa senate investigation sa Makati City Parking Building at umano’y Hacienda Binay sa Nasugbu, Batangas.

Pumangalawa lamang kay Binay si Pangulong Benigno Aquino II kung sakaling lumaban pa ito bilang pangulo sa nakuhang 13.1 percent habang sinundan naman ito ni Sen. Grace Poe na nakakuha ng 11.8 percent.

Pang-apat naman ay si Sen. Miriam Defensor-Santiago na mayroong 7.9 percent voter preference sa ginawang survey ng Novo Trends PH.

Nasa 5th hanggang 9th place naman sina Sen. Bongbong Marcos (5.1 percent), Sen. Chiz Escudero (4.6 percent), Davao City Mayor Rodrigo Duterte (3.6), DILG Sec. Mar Roxas (3.4 percent) at Sen. Alan Peter Cayetano (3.4 percent).

 

 

 

 

 

ALAN PETER CAYETANO

BINAY

BONGBONG MARCOS

CHIZ ESCUDERO

DAVAO CITY MAYOR RODRIGO DUTERTE

GRACE POE

HACIENDA BINAY

MAKATI CITY PARKING BUILDING

MAR ROXAS

NOVO TRENDS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with