‘Bakit sila takot na kami ay magsalita’?
MANILA, Philippines - “Ang laking sampal sa mukha ng tatlong Senador na walang ibang Senador na nag attend. Ano ba ang kinakatakot nila at ayaw nila kaming pagsalitain?,”
Ito ang inihayag ni United Nationalist Alliance (UNA) interim president Toby Tiangco at isa rin sa dahilan kung bakit hindi dumalo si Vice President Binay ay dahil sa umano’y maanghang na pahayag ni Senador Antonio Trillanes.
Ayon kay Tiangco, na habang sila nina Bise Presidente at kanyang mga advisers ay nagpapalitan ng kuro-kuro kung dapat bang dumalo sa hearing ay narinig nila ang balita kay Trillanes na gigisahin nila si VP at pauupuin ng anim na oras para sumagot ng tanong.
Ang pahayag na iyon ni Trillanes ang kanilang naging desisyon na huwag nang dumalo kahit nagbigay ng assurance si Senator Guingona sa kanyang sulat kay VP na siya ay hindi babastusin at tatratuhin na parang kriminal nila Trillanes.
Ayon pa kay Tiangco na ang pagpunta ng isang Vice President sa hearing ay makakaapekto sa mga magiging Vice Presidents na ipapatawag ng mga senators na may sariling agenda.
“Sa buong kasaysayan ng bansa, wala pang Bise Presidente ang humarap sa Senado dahil yan ay bahagi ng respeto sa institusyon,” wika ni Tiangco.
Idinagdag pa ni Tiangco na bagama’t sinabi nila na takot harapin ni Vice President Binay ang mga senador ay kanyang ipinaalala ang naging pahayag noon January 2010 ni Senator Alan Cayetano nang ipinapagtanggol nito si Senator Manny Villar sa C-5 controversy nang sabihin nito na hindi totoo na ang isang tao ay duwag dahil sa namimili ito ng lugar na para ipagtanggol ang sarili.
“Bumaligtad si Cayetano sa sinabi niya at bumaligtad ulit sa sinabi niya nung October 8, nang sinabi nya na ‘welcome po ang kampo ng mga Binay i-submit ang kahit anong ebidensiya. Welcome silang magpadala ng mga witnesses nila na magte-testify dito’,” wika ni Tiangco.
- Latest