^

Police Metro

Mayon evacuees balik-bahay na

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines – Libu-libong residente na nagsilikas nang ideklara ang extended permanent danger zone (PDZ) sanhi ng pag-aalburuto ng Bulkang Mayon sa lalawigan ng Albay ang nagsibalikan na sa kanilang mga bahay.

Ayon kay Major Emmanuel Garcia, Chief ng 7th Civil Relations Group (CRG) ng Armed Forces of the Philippines (AFP) kahapon ay binigyan na ng go signal ng Albay Provincial Disaster Risk Reduction Management Center (PDRRMC) ang mga evacuees sa idineklarang 7-8 extended PDZ na magbalikan na sa kanilang mga bahay habang ang mga nakatira sa loob ng 6 KM PDZ ay mananatili pa rin sa evacuation center  at pinag-aaralan pa ang pagpapauwi sa kanila.

Sa pahayag naman ni Col. Generoso Bolina, Deputy Brigade Commander ng 901st Brigade ng Philippine Army na masyadong marami ang hahakuting  mga residente kung kaya kakailanganin nila ang tulong ng ilang pribadong indibidwal na maaaring magpahiram ng sasakyan na gagamitin para mapabilis ang pagbabalik bahay ng mga evacuees.

Mula sa higit 55,000 mga indibidwal sa mga evacuation centers, 10,000-15,000 na lamang sa mga ito ang matitira matapos ang pagpapauwi sa mga residenteng nasa labas sa 6km permanent danger zone at ilang nasa 7km buffer zone ng bulkan.

ALBAY

ALBAY PROVINCIAL DISASTER RISK REDUCTION MANAGEMENT CENTER

ARMED FORCES OF THE PHILIPPINES

BULKANG MAYON

CIVIL RELATIONS GROUP

DEPUTY BRIGADE COMMANDER

GENEROSO BOLINA

MAJOR EMMANUEL GARCIA

PHILIPPINE ARMY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with