Anak ni Dennis Trillo, 8 pa sugatan sa banggaan
MANILA, Philippines – Dalawang school service ang nagsalpukan kahapon ng umaga sa intersection ng Brgy. Lourdes sa Quezon City na ikinasugat ng 9 katao kabilang ang anak ng aktor na si Dennis Trillo. Sa ulat, kinilala ang anim sa mga sugatan na sina Jervin Tolentino, 12; Calix Andreas (anak ni Dennis), 7; Angelo Xeu, 7; Jahai Sarmiento, 9; Kevin Viray Papa, 15; Marvela Viray Papa; at Jerrilito Papa, 45, driver ng isang school service. Habang inaalam pa ang pagkakakilanlan ng dalawang biktima na dinala sa pagamutan. Sa ulat, dakong alas-5:45 ng umaga sa may bahagi ng Speaker Perez at N. Roxas Street, Barangay Lourdes ay minamaneho ni Papa ang Mitsubishi Canter ang service vehicle ng Malayan High School of Science-Pandacan, Maynila (TXF-527) at tinatahak ang M. Roxas galing Mayon patungong P. Tuazon at pagsapit sa lugar ay nakasalpukan nito ang Kia van ang school service ng Xavier school (TWT 945) na minamaneho naman ni Razmur Padios, 24. Kapwa nayupi ang dalawang sasakyan sa lakas ng pagkasalpok na ikinasugat ng mga estudyante. Kasong reckless imprudence resulting in damage to property at multiple physical injuries ang isinampa sa dalawang driver.
- Latest