Labi ni ex-Sen. Flavier dinala sa DOH
MANILA, Philippines – Dinala kahapon sa compound ng Department of Health (DOH) ang labi ni dating Senator Juan Flavier para sa gagawing necrological service.
Magugunita na Huwebes nang sumakabilang buhay si Flavier sa National Kidney and Transplant Institute (NKTI) dahil sa multiple organ failure sanhi ng pneumonia.
Si Flavier ang nagpatupad ng “Doctor to the Barrios” noong siya ang kalihim ng DOH mula Hulyo 1992 hanggang Enero 1995 sa ilalim ng Ramos administration.
Siya rin ang nagbigay ng battlecry na “Let’s DOH it” para sa iba’t ibang programa at proyekto kabilang ang anti-smoking campaign na “Yosi Kadiri.”
Ipinatupad din ni Flavier ang mga programang Healthy Places Initiative, Stop D.E.A.T.H Program, National Voluntary Blood Service Program, Oplan Sagip Mata, Hataw Fitness Program, Pusong Pinoy, at mga Hospital bilang Center para sa Wellness Program.
Nag-resign ito sa DOH para tumakbo bilang senador noong 1995.
- Latest