Trillanes binu-bully si VP Binay sa takdang debate
MANILA, Philippines – Mistulang binu-bully ni Senador Antonio Trillanes IV si Vice President Jejomar Binay at Kapisanan ng mga Broadkaster ng Pilipinas sa pagbibigay nito ng deadline para sila ay magdebate.
Ayon kay Joey Salgado, head ng OVP Media Affairs na inaakala ni Trillanes na nasa Senado pa rin siya para mam-bully kapag nag-umpisa na ang debate
Anya ang debate ay mga ground rules, ito ay isang forum to inform, hindi para mang-harass o mag-intimidate.
Ito ay isang forum para ipakita ng mahinahon ang isang presentation ng arguments, hindi isang bully pulpit at hindi isang one-sided political circus na nangyayari sa Senado na isang witch hunt na pina ngungunahan ni Trillanes.
Hinala nila kaya nagbibigay ng deadline si Trillanes sa Vice President at KBP ay dahil sa nais na nitong mag-backout dahil hindi ito mananalo.
Nabatid na binigyan ni Trillanes si Binay ng hanggang November 22 upang maidaos ang petsa ng debate dahil sa eksaktong isang buwan na (Oktubre 22) ang nakakalipas ng siya ay hamunin ni Binay.
Una nang sinabi ni Binay na hindi siya aatras sa pinag-usapang debate nila ni Trillanes.
- Latest