^

Police Metro

13-anyos hinalay ng dalawang kapitbahay

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines – Isang 13-anyos na dalagita ang halinhinang hinalay ng dalawa niyang kapitbahay nang ito ay mauto na pumasok sa bahay kahapon ng madaling-araw sa Malabon City.

Ang dalawang suspek na agad nadakip ay kinilalang sina Ald­win Cruz, 26, obrero, at Emilio Pa­tena, 53, pedicab driver, kapwa residente ng Yanga St., Brgy. Maysilo na kinasuhan ng “rape in relation to child abuse”.

Ang biktima na itinago sa pangalang Judy ay isinasailalim sa “counse­ling” ng lokal na Social Welfare and Development.

Sa salaysay ng biktima na siya ay napapayag ng suspek na si Pateña na magtungo sa kanyang bahay para mag-usap.

Pagdating doon sa bahay ay inabutan ng biktima ang suspek na si Cruz.

Ilang minutong kuwentuhan ang naganap at kasunod noon ay inum­pisahan nang puwersahing halikan at hubaran ng dalawang suspek at matagumpay na nagahasa.

Bago pauwiin ang biktima ay binigyan ito ng pera ng mga suspek upang hindi magsumbong ngunit agad na ipinaalam nito sa mga magulang ang nangya­ring panggagahasa sa kanya kaya’t mabilis na naaresto ang mga suspek sa isang follow-up operation.

vuukle comment

BRGY

CRUZ

EMILIO PA

ILANG

ISANG

MALABON CITY

SOCIAL WELFARE AND DEVELOPMENT

YANGA ST.

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with