2 kampo ng Sayyaf nakubkob
MANILA, Philippines – Nakubkob ng tropa ng pamahalaan ang dalawang kampo ng mga bandidong Abu Sayyaf Group sa Patikul, Sulu sa patuloy na ginagawang pagtugis ng militar.
Sinabi Col. Allan Arrojado, commander ng Joint Task Group Sulu, na ang dalawang kampo ay pansamantalang tuluyan ng mga bandido.
Bago ito ay nagsagawa muna ng air strike ang Armed Forces of the Philippines laban sa bandido sa Barangay Bungkaong, Patikul, Sulu kahapon ng alas-6:30 ng umaga sa panguna ng MG-520 attack helicopters matapos na mabatid ang presensya ng 150 bandidong ASG sa lugar noong pang Biyernes ng gabi na nagkakatay ng mga kambing bilang pagkain nila.
Ang grupo na pinamunuan ng isang Hatib Adjan Sawadjaan, ang nasa likod ng pagdukot sa dalawang German tourists na sina Stefan Viktor Okonek, 71 at Henrike Dielen, 55, na napalaya noong Oct. 17 matapos na umano’y magbayad ng ransom na P250-milyon.
- Latest