^

Police Metro

Lolo hinostage ang apo sa sementeryo

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines – Dahil sa umano’y sinumpong ng nervous breakdown dahil sa ilang gabing pagpupuyat kung kaya’t nagawa ng isang 56-anyos na lolo na i-hostage ang 12-anyos na apong babae kahapon ng madaling-araw sa loob ng Manila North Cemetery.

Ang suspek na naaresto ay kinilalang si Adolfo Gonzales, 56-anyos, tindero ng mga chichirya sa loob ng sementeryo at may sariling stall.

Batay sa ulat, dakong alas-4:00 ng madaling araw nang biglang nagsisigaw ang suspek na sinusugod umano  siya ng mga tao at papatayin kaya’t niyakap ang apo at kumuha ng patalim.

Ang suspek ay lolo ng biktima sa second degree at sinasabing ito ang nagpalaki sa kanya.
Pinaligiran ng mga pulis at rescue team ang sementeryo at pinalibutan ang suspek hanggang sa napayapa at  kusang binitawan ang apo.

Bahagya lamang umano ang takot ng kaanak dahil alam nila na mahal ng suspek ang bata dahil kahit siya ay second degree lolo lamang dahil siya ang nagpalaki at nag-alaga dito.

Ikinulong na sa MPD Station 3 Central Police Station ang suspek habang ang bata ay ibinalik sa magulang.

vuukle comment

ADOLFO GONZALES

BAHAGYA

BATAY

CENTRAL POLICE STATION

DAHIL

IKINULONG

MANILA NORTH CEMETERY

PINALIGIRAN

SUSPEK

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with