CBCP makikinig sa panig ni VP Binay
MANILA, Philippines – Handang pakinggan ng Catholic Bishops Conference of the Philippines’ (CBCP) ang panig ni Vice President Jejomar Binay upang sa ganun ay para mapabulaanan ang mga walang basehang akusasyon sa kanya ng kalaban sa pulitika sa Senate Blue Ribbon-sub committee.
Kaya naman ay taos pusong tinanggap ni Binay ang imbitasyon ng CBCP na binuksan ang pintuan at pakinggan ang panig ng Bise Presidente kaugnay sa isyu ng katiwaliang ipinupukol laban sa kanya at sa kanyang pamilya.
“Isang karangalan po na makaharap kayo at ang ibang mga miyembro ng CBCP at ng simbahan. Nagpapasalamat ako sa pagkakataong ito na malinis ang pangalan ng pamilya ko at tuldukan ang nakakapagod nang usaping ito,” sabi ni Binay sa kanyang liham kay Manila Auxiliary Bishop Broderick Pabillo, chair of the CBCP Committee on Public Affairs.Wala pang naitatakdang petsa ng paghaharap ni Binay at ng CBCP.
Samantala, sinabi ng tagapagsalita ng Bise Presidente na si Cavite Governor Jonvic Remulla na pagdedesisyunan pa sa linggong ito kung tatanggapin o hindi ni Binay ang imbitasyon ng Senate Blue Ribbon Committee.
- Latest