Pinay ‘binaboy’ ng 2 American national
MANILA, Philippines – Kahapon lang nagkaroon ng lakas ng loob ang isang 38-anyos na dalaga para magsampa ng reklamong panghahalay laban sa dalawang American national na bumaboy sa kanya sa loob ng condominium sa Pasig City kamakailan.
Sa salaysay ng biktima na itinago sa pangalang Fe, graphic designer ng Antipolo City, Rizal na siya ay ginawan ng kahalayan ng mga suspek na sina Andrew Killbird alyas Numetra, pansamantalang naninirahan sa Park Royale Bldg. 18th Floor, Room 1803 Jade Drive Ortigas Center, Brgy. San Antonio at kasamang babae nito na si Jackilyn.
Ayon sa biktima na bago nangyari ang panghahalay sa kanya ng dalawang suspek sa nasabing condominium noong October 17, dakong alas-11:20 ng gabi.
Siya ay sapilitan umanong pinainom ng “ecstasy” hanggang sa makaramdam ng sobrang init ng buong katawan at mistulang nawalan na ng kahihiyan at naging sunud-sunuran sa dalawang suspek.
Ayon sa biktima habang dinadaliri ng babae ang kanyang ari ay tinira naman siya ng lalaki sa likod at lahat ng kababuyan ay ginawa sa kanya ng dalawa.
Sinabi ng biktima na ang dalawang dayuhan ay kanya lamang nakilala sa social media Filipinocupid.com noong October 1 at naging mag-textmate hanggang sa magkita at naganap ang nasabing panghahalay.
- Latest