May pasok sa Oktubre 31
MANILA, Philippines - Hindi idedeklara ng Malacañang na holiday ang Oktubre 31, Biyernes kung kailan inaasahang mag-uuwian ang mga taga-Metro Manila sa kani-kanilang probinsiya.
Ito ang inihayag ni Presidential Communications Operations Office Herminio Coloma Jr. at ang Nobyembre 1 lamang ang walang pasok o holiday base na rin sa naunang inilabas na Proclamation No. 655.
Hindi kasama ang Oktubre 1 sa mga inanunsiyo na walang kasok kaya maaaring magpaalam na lamang ang mga empleyadong nasa pribadong sektor sa kanilang mga employers.
Ayon pa kay Coloma na naghayag na ng guidelines si Department of Labor and Employment (DOLE) Secretary Rosalinda Baldoz kung papaano ang magiging patakaran sa pagbibigay ng suweldo sa mga papasok sa Nobyemre 1 na idineklarang non-working day.- Malou Escudero-
- Latest