Sa pagbalik ng mga Pinoy sa Kapaskuhan... doble bantay vs Ebola
MANILA, Philippines - Mas mahigpit pa ang gagawin ng gobyerno na pagbabantay sa paliparan laban sa Ebola virus dahil sa inaasahan pagdagsa ng mga Filipino na babalik sa bansa ngayong Kapaskuhan.
Ito ang tiniyak kahapon ni Presidential Communications Operations Office Secretary Herminio Coloma Jr. at kinakailangang palakasin pa ang sistema upang matiyak na hindi maaapektuhan ang Pilipinas ng nakamamatay na Ebola virus.
Binanggit pa ni Coloma na inatasan na ng Pangulo ang mga kinauukulang ahensiya ng pamahalaan para sa posibleng repatration ng mga peacekeepers na nasa bansang Liberia na tinamaan din ng Ebola.
Inihayag din ni Coloma na agad na ia-isolate ang sinumang papasok sa Pilipinas na makikitaan ng mga ‘flu-like symptoms”.
Ipatututupad naman aniya ang tamang proseso ng screening at quarantine sa mga matutunton na mayroong sintomas ng Ebola at agad na maihiwalay upang hindi manganib ang mas maraming mamamayan.?Ipatutupad din ang mahigpit na “extensive contract tracing” para sa sinumang magpo-positibo upang matukoy kung sinu-sino ang mga nakasalamuha nila katulad noong nagkaroon ng MERC (Middle East Respiratory Syndrome) coronavirus.
- Latest