^

Police Metro

2 sinalvage sa Marikina

Mer Layson - Pang-masa

MANILA, Philippines - Natagpuang patay at nakasubsob sa pampang ng Marikina River ang dalawang lalaki na pinaniniwalaang biktima ng salvage sa  Barangay Calumpang, Marikina City, kahapon ng umaga.

Inilarawan ang isa na nakasuot ng ­camouflage na pantalon at itim na t-shirt habang ang ikalawa naman ay nakasuot ng puting short.

Sa ulat ng Marikina City Police, dakong alas-6:30 ng umaga nang madiskubre ang mga bangkay sa pampang ng nasabing ilog, malapit sa isang mall sa Marcos Highway.

Nabatid na nangunguha ng mga panggatong ang hindi nagpakilalang residente nang mamataan ang bangkay ng mga biktima at kaagad itong ini-report sa pulisya.

Nakatali ang mga kamay ng mga biktima sa kanilang likod, parehong may mga nakatakip na panyo sa kanilang mga mukha, at nakasubsob sa putik.

Pinaniniwalaang pinahirapan muna bago pinatay ang mga biktima dahil sa mga pasa, sugat at tama ng bala ng mga bala ng kalibre .45 sa katawan.

 

vuukle comment

BARANGAY CALUMPANG

INILARAWAN

MARCOS HIGHWAY

MARIKINA CITY

MARIKINA CITY POLICE

MARIKINA RIVER

NABATID

NAKATALI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with