Malabong magkaroon ng Ebola outbreak sa Pinas-DOH
MANILA, Philippines – Malabong magkaroon ng Ebola outbreak sa Pilipinas.
Ayon kay Department of Health (DOH) Secretary Enrique Ona sa pagharap nito sa Senado na posibleng magkaroon lamang ng isa hanggang dalawang kaso, pero malabong magkaroon ng outbreak.
Ibinase ni Ona ang kanyang pagtaya sa mga bansa na nagkaroon na ng Ebola bukod sa Africa.
Inimbestigahan kahapon ng Senate on Health and Demography na pinamumunuan ni Senator Teofisto Guingona ang kahandaan ng gobyerno na kontrolin ang Ebola sakaling makapasok sa bansa ang nakamamatay na Ebola.
Hindi aniya mangyayari sa Pilipinas ang epidemic na nangyayari sa Africa kung saan nagkakaroon ng 100 porsiyentong kaso ng pagtaas sa bawat ikalawang linggo.
Nararanasan ngayon ang outbreak ng Ebola ng mga bansa sa West Africa katulad ng Guinea, Liberia at Sierra Leone kung saan kalahati ng mahigit sa 9,000 katao na nagkaroon ng virus ang namatay.
- Latest