^

Police Metro

Obrero nakaligtas sa granada, todas sa bala

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines - Bagama’t nakaligtas sa kamatayan ang isang lalaki nang hindi sumabog ang granada na ibinato sa kanya noong 2011 ay hindi naman ito nakaligtas sa bala nang pagbabarilin ng tatlong lalaki kabilang ang mortal na kaaway kamakalawa ng hapon sa Malabon City.

Ang biktima na nasawi habang dina­dala sa ospital ay kinilalang si Biato Dulfo, alyas “Yo­yong”, obrero, 40-anyos ng Sitio 6 Dumpsite, Brgy. Catmon, ng lungsod.

Pinaghahanap naman ang tatlong lalaki kabilang ang mortal nitong kaaway na kinilalang si Christopher Bajar, residente rin ng naturang lugar.

Batay sa ulat, dakong alas-5:30 ng hapon ay pauwi na sa kanyang bahay ang biktima nang biglang harangin at sunud-sunod na pagbabarilin ng tatlong suspek saka mabilis na tumakas.

Batay sa record, na noong Abril 2011 ay pinagtangkaang patayin ni Bajar si Dulfo nang hagisan ng granada ang bahay ng huli na masuwerteng hindi sumabog.

ABRIL

BAGAMA

BAJAR

BATAY

BIATO DULFO

BRGY

CATMON

CHRISTOPHER BAJAR

MALABON CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with