^

Police Metro

Kelot dedo sa ikalawang suicide attempt

Mer Layson - Pang-masa

MANILA, Philippines - Natuluyan sa ikalawang suicide attempt ang  isang 34-anyos na lalaki nang ito ay magbigti sa loob ng kanilang bahay dahil sa labis na nararanasang depresyon.

Bagama’t nadala sa pagamutan ay idineklarang dead-on-arrival ang biktimang si Simplicio Reyes, residente ng 4 E. Angeles St., Barangay Sto. Tomas, Pasig City.

Bago ang pagkadis­kubre nang pagbibigti ng biktima ng kanyang ina na si Anecita dakong alas-12:30 ng tanghali ay pinakain pa ito ng almusal ng nanay na may lalakarin na mahalagang bagay.

Makalipas ang ilang oras sa pagbabalik ng nanay ay nakita ang anak na nakabigti gamit ang sinturon.

Sa salaysay ng ina na ang kanyang anak ay
dumaranas ng matinding depresyon na posibleng dahilan ng pagpapakamatay nito.

Inamin din ng ginang na dating naging drug dependent ang anak, subalit
nagamot na ito nang magpasailalim sa rehabili­tasyon.

Una nang tinangka ng biktima ang pagpapakamatay sa pamamagitan ng  paghiwa sa pulso, subalit naagapan ito.

vuukle comment

ANECITA

ANGELES ST.

BAGAMA

BARANGAY STO

INAMIN

MAKALIPAS

NATULUYAN

PASIG CITY

SIMPLICIO REYES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with