^

Police Metro

Apela ni Justice Ong, ibinasura ng SC

Doris Franche-Borja - Pang-masa

MANILA, Philippines - Ibinasura ng Korte Suprema ang motion for reconsideration na inihain ni dating Sandiganbayan 4th division chairman Associate Justice Gre­gory Ong na humihingi na baguhin ang naunang September 23 ruling na nagtatanggal sa kanya sa serbisyo dahil sa kaugnayan nito sa tinaguriang Pork barrel scam queen na si Janet Lim Napoles matapos na ito pagtibayan ng Supreme Court (SC).

Ayon kay SC spoke­person Atty. Theodore Te, sa nasabing desisyon, walang matatanggap na anumang benipisyo mula sa gobyerno maliban sa kanyang mga accrued leave benefits at hindi na maaaring magtrabaho sa gobyerno.

Maalala na mismong ang SC ang nagkusa ng imbestigasyon laban sa umano’y kaugnayan ni Ong kay Napoles.

Lumabas sa pag-iimbes­tiga na nakatanggap ng mala­king halaga si Ong mula kay Napoles kapalit ng pag-absuwelto rito sa kasong kinakaharap kaugnay ng maanomalyang pagbili ng 500 na mga Kevlar Helmets para sa Philippine Marines noong 1998.

ASSOCIATE JUSTICE GRE

AYON

JANET LIM NAPOLES

KEVLAR HELMETS

KORTE SUPREMA

NAPOLES

ONG

PHILIPPINE MARINES

SUPREME COURT

THEODORE TE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with