^

Police Metro

Abu Sayyaf humahalo sa mga sibilyan

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Ang paghalo ng Abu Sayyaf Group (ASG) sa komunidad ng mga sibilyan at masamang lagay ng panahon ang umano’y nakakasagabal sa operasyon ng militar upang malipol ang mga bandido sa Sulu.

Ito ang pag-amin kahapon ni Armed Forces of the Philippines-Public Affairs Office (AFP-PAO) Chief Lt. Col. Harold Cabunoc.

Anya, hindi pa nila naeengkuwentro ang Abu Sayyaf  partikular na sa bayan ng Patikul matapos ang inilunsad na law enforcement operations.

Ang law enforcement ay inilunsad matapos ang muntik nang pagpugot ng ulo ng mga bandido sa isa sa mga hostage na mag-asawang Aleman na si Stefan Viktor Okonek, 71.

Si Stefan Viktor at misis nitong si Herike Diesen, 55 ay pinalaya ng mga bandido noong nakalipas na Biyernes ng gabi matapos silang bihagin noong Abril ng taong ito sa karagatan ng Palawan.

Bukod dito ay matinding balakid din ang  pag­halo ng mga bandido sa komunidad ng mga sibilyan, paghihiwalay ng grupo, matatarik na bundok at masukal na mga kagubatan upang mapabilis ang paglipol sa mga bandido.

ABRIL

ABU SAYYAF

ABU SAYYAF GROUP

ARMED FORCES OF THE PHILIPPINES-PUBLIC AFFAIRS OFFICE

CHIEF LT

HAROLD CABUNOC

HERIKE DIESEN

SI STEFAN VIKTOR

STEFAN VIKTOR OKONEK

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with