^

Police Metro

Mister tinodas katabi si misis

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines – Malapitang binaril sa ulo ng isang holdaper ang isang mister habang katabi ang misis kahapon ng madaling-araw sa Divisoria Market, Tondo, Maynila.

Ang biktima na na­matay noon din ay kinilalang si Primo Ansale, 60, dating seaman, residente ng Block 18, Lot 4, Hernandez St., Catmon, Malabon City.

Ang suspek na tumakas ay inilarawan na nasa pagitan ng 30 hanggang 40 anyos, ba­lingkinitan, nakasuot ng maong na shortpants at sando na kulay puti.

Batay sa ulat, bago nangyari ang krimen dakong alas-2:00 ng madaling araw sa kanto ng Planas at Lakandula Sts., Divisoria Market ay napansin na ng misis ng biktima na si Teresita sa paglabas nila sa  isang fast food chain ay nakatingin na sa kanila ang suspek na sumusunod sa kanilang paglalakad.

Nang makalapit ay nagbukas ng payong ang suspek at nagdeklara ng holdap sa biktima, suba­lit tumanggi na ibigay ang pitaka kung kaya’t binaril ito sa ulo.

Sa pagtakas ng suspek ay tangay ang pitaka na may lamang P5,000 cash at dalawang cell phone ng mag-asawa. 

vuukle comment

BATAY

CATMON

DIVISORIA MARKET

HERNANDEZ ST.

LAKANDULA STS

MALABON CITY

MALAPITANG

MAYNILA

PRIMO ANSALE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with