5 katao tiklo sa shabu buy bust
MANILA, Philippines – Limang katao ang naaresto ng mga otoridad sa magkahiwalay na shabu buy-bust operation sa Marikina City at Maynila.
Sa Marikina City, kinilala ang tatlong suspek na sina Aldrin Lesniana, 30; Clarissa Reyes, 30; at Franklin Pedregosa, 24, ng Apitong St., Marikina Heigths ng lungsod.
Sa ulat, dakong alas-10:30 ng umaga nang isagawa ang buy-bust operation ng Marikina City police sa nasabing lugar at dito ay dinakip ang tatlong suspek sa aktong nagbebenta ng shabu.
Nakumpiska ang tatlong piraso ng transparent plastic sachet na naglalaman ng shabu, isang transparent plastic na naglalaman ng pinatuyong dahon ng marijuana, isang water pipe toother, isang weighing scale, at marked money na P500.
Nakumpiska rin sa mga suspek ang isang Colt .45 caliber pistola na baril, 15 rounds ng bala at dalawang magazine na may lamang
bala ng kalibre .45 baril at isang sling bag.
Nadakip naman ng mga elemento ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang dalawang big time pusher sa isang buy-bust operation sa loob ng isang shopping mall sa Maynila kamakalawa ng alas-7:30 ng gabi.
Ang mga suspek ay kinilalang sina Jamil Gote, 18 at Sainara Tampugao, 31, kapwa jobless ng No. 152 Palanca Street, Barangay 648, Zone 67, Quiapo, Manila.
- Latest