^

Police Metro

2-Anyos na batang lalaki ‘nagbuntis’

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Isang malaking palaisipan ngayon sa mga residente ng bayan ng Pandan,  Antique kung paano nabuntis ang 2-anyos na batang lalaki matapos na madiskubreng may fetus sa loob ng tiyan nito.

Ayon sa ama ng bata na si SPO1 Julian Rioja, nakatakdang sumailalim sa operasyon ang kaniyang anak na si Julian Conrado Rioja sa Western Visayas State University Hospital sa Iloilo City sa Oktubre 20 upang tanggalin ang fetus sa tiyan nito.

Sinabi ni SPO1 Rioja, napansin niya ang kakaibang umbok at naninigas sa tiyan ng anak noong 4 buwang sanggol pa lamang ito noong Marso 2013 kung saan sa isinagawang CT scan ng isang doktor sa Antique ay natuklasan ang isang 8 cm na fetus sa tiyan ng bata.

Halos hindi umano siya makapaniwala kaya ipinasuri muli ang anak sa University Hospital sa Iloilo City pero pareho lamang ang resulta bunsod upang ipagpaliban pansamantala ang pagpapagamot sa anak.

Ang bata ay ilang beses din nilang ipinagamot sa albularyo pero hindi gumaling.

Ayon pa sa ama ng bata, normal naman nang isilang ng kaniyang misis ang kanilang anak kaya’t malaking palaisipan sa kanilang mag-asawa kung paano ito nabuntis lalo na at ito ay lalaki.

Sa paliwanag ni  Dr. Florentino Alerta na sinabi namang  hindi pangkaraniwan ang kaso ng bata na isang uri ng abnormalidad at bibihira lamang o nag-iisa sa 500,000 bilang ng mga sanggol na ipinapanganak.

“It is now considered a tumor”, ani Alerta kung saan binanggit nito na may ganito na ring kaso ang na-diagnosed sa Baguio City noong Agosto 2007 na ang tinutukoy ay ang batang si Eljie Millapanes.

Sa paliwanag ng medisina ang kondisyon ng bata na  naka-confine ngayon sa nabanggit na pagamutan na lumalaki ang tiyan tulad ng sa isang buntis na babae ay tinatawag na ‘fetus in fetu” na isang uri ng ‘deve­lopmental abnormality’ kung saan mayroong “mass tissue” kagaya ng fetus sa loob ng katawan ng isang tao at may dalawang teorya na itinuturong dahilan nito.

Una, posible na ang “mass tissue” ay isang normal din na fetus subali’t ito ay tumubo sa loob ng katawan ng kambal nito o maaari ring isa itong “teratoma,” isang uri ng tumor na mayroong tissue o organ components .

 

vuukle comment

AYON

BAGUIO CITY

DR. FLORENTINO ALERTA

ELJIE MILLAPANES

ILOILO CITY

ISANG

JULIAN CONRADO RIOJA

JULIAN RIOJA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with