^

Police Metro

Ayon sa Obispo... impeach Binay, wrong move!

Doris Franche-Borja, Gemma Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines - Kung sakali na ipa-impeach si Vice President Jejomar Binay ay isa umano itong maling hakbang na gagawin ng mga kaalyado ni Pangulong Noynoy Aquino.

Ito ang paniniwala ni Lingayen-Dagupan Archbishop Emeritus Oscar Cruz dahil posibleng makuha pa ni VP Binay ang simpatya ng mga Pilipino kung maisasalang ito sa impeachment proceedings.

‘Huwag silang magkamaling gawin yan, impeach ang bise presidente, politically it is a wrong move’ , ani Cruz.

Ipinaliwanag ng Arsobispo na bagama’t bumaba ang rating ng Bise Presidente sa pagkakasangkot nito sa overpriced na Makati Parking Building II at ang pagkakaungkat ng hacienda Binay sa Batangas ay tiyak na muling aangat ang popularidad nito.

Naniniwala ang Arsobispo na ang impeachment sa ngayon ay hindi na isang ethical process kundi pulitical process lalo pa’t ang pagdede­sisyon sa kaso ay base sa dami ng iyong kaal­yado sa halip na pagbatayan ang bigat ng mga akusasyon.

Ang pahayag ni Cruz ay  nang sabihin kamakailan ni Caloocan City Rep. Egay Erice na ipa-impeach si Binay na handa naman i-endorso ni Cavite, Dasmariñas City Rep. Elpidio Barzaga.

 

ARSOBISPO

BINAY

BISE PRESIDENTE

CALOOCAN CITY REP

CITY REP

CRUZ

EGAY ERICE

ELPIDIO BARZAGA

LINGAYEN-DAGUPAN ARCHBISHOP EMERITUS OSCAR CRUZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with