^

Police Metro

Libingan ng German hostage hinukay na ng Sayyaf

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines – Kung hindi maibibigay sa araw ng Biyernes ang hinihinging P250 milyon ransom para sa kalayaan ng mag-asawang Aleman na bihag ng Abu Sayyaf Group sa lalawigan ng Sulu ay pupugutan na umano ng  ulo ang lala­king Aleman.

Bukod dito sa sinabi pa ng Abu Sayyaf na hinukay na nila ang paglilibi­ngan ng lala­king Aleman kapag ito ay kanila nang pinugutan.

Sa panayam ng RMN Zamboanga, sinabi ng nagpakilala sa pa­ngalang Aburahmi, self proclaimed Spokesman ng Abu Sayyaf na may hanggang alas-3:00 ng hapon sa Oktubre 17 ang pamahalaan ng Germany at ng gobyernong Aquino para sagipin ang buhay ng mag-asawang hostage na Aleman.

Ang mag-asawang Aleman ay kinilalang sina  Stefan Viktor Okonek, 71 at Herike Diesen, 55 na binihag ng mga  bandido noong Abril ng taong ito habang lulan ng yate sa karagatan ng Palawan.

“Pupugutan na namin ng ulo itong bihag naming matandang lala­king Aleman na eto, hinukay na namin ang kaniyang libingan, hanggang alas-3:00 lang ng hapon sa Biyernes ang deadline namin kapag hindi naibigay ang ransom pugot ang ulo nito”, ani Aburahmi sa radio interview sa RMN Zamboanga.

“Walang pagbaba, ­P250 M pa rin ang ransom kung gusto nilang mabuhay pa ito at makalaya “, banta pa ni Aburahmi.

Ayon naman kay Okonek na binigyan ng pagkakataon ni Aburahmi na makapanayam sa radyo na masyado umanong mabagal ang negosasyon, pero sa kabila nito’y patuloy silang umaasang mag-asawa na tutulungan sila ng pamahalaan ng Germany at maging ng Pilipinas para sagipin ang kanilang buhay sa kamay ng mga abductors.

Kinumpirma rin ni Okonek na mahigit 24 oras na niyang hindi nakikita ang kaniyang misis matapos silang paghiwalayin ng mga kidnappers.

Sa pahayag naman ni AFP Chief of Staff Gen. Gregorio Pio Catapang Jr., malabong iatras nila ang tropa ng militar para lamang palayain ng mga bandidong Abu Sayyaf ang kanilang mga bihag.

Kaya nga ay ibinuhos na ng AFP ang tropa sa Sulu upang iligtas ang mag-asawang Aleman na kabilang sa 12 pang bihag ng mga bandido sa lalawigan ng Sulu.

ABU SAYYAF

ABU SAYYAF GROUP

ABURAHMI

ALEMAN

BIYERNES

CHIEF OF STAFF GEN

GREGORIO PIO CATAPANG JR.

HERIKE DIESEN

OKONEK

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with