^

Police Metro

Dalaga ninakawan ng ka-date na Koreano?

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines – Inaresto ng mga otoridad ang isang Korean national matapos na ireklamo ito ng isang Pinay na kanyang ka-date ng umano’y pagnanakaw ng pitaka at dalawang cellphone sa Malate, Maynila kamakalawa ng gabi.

Ang suspek ay kinila­lang si Sun Young Seok, pansamantalang nanunuluyan sa Le Mirage Condominium sa #2126 Mabini St., Malate.

Sa reklamo ng biktimang si Joan Atendido, 21, dalaga, residente ng Better Living Subdivision, Parañaque City, dakong alas-10:00 ng gabi nang mag-inuman umano sila ng suspek sa Sogo Hotel sa Mabini, Malate hanggang sa makatulog sa kalasi­ngan.

Pagkagising ng biktima ay wala na ang suspek at nawawala na rin umano ang kaniyang dalawang cellphone at pera sa pitaka na nakalagay sa kaniyang bag.

Nagsampa ng reklamo sa MPD-Station 9 ang biktima at nagka­taon na naglalakad sa harapan ng presinto ang suspek kung kaya’t ito ay kanyang ipinaaresto.

Nagtatakbo pa ang suspek kaya hinabol ito at nang maabutan ay ina­resto.

Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya kung totoong ninakawan ang biktima ng suspek dahil na rin sa mga insidente sa nasabing tourist area sa  modus na ‘ihulidap’ ang mga banyaga at kung saan kasabwat pa ng pulis ang mga babaeng ‘pick-up’ na tumatayong complainant.  

vuukle comment

BETTER LIVING SUBDIVISION

INARESTO

JOAN ATENDIDO

LE MIRAGE CONDOMINIUM

MABINI

MABINI ST.

SOGO HOTEL

SUN YOUNG SEOK

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with