^

Police Metro

Guro kinidnap ng riding in tandem

Cristina Timbang - Pang-masa

MANILA, Philippines – Natagpuang na­kagapos ang paa’t kamay ng isang guro sa madamong bahagi ng Daang Hari Road, Brgy. Pasong Buaya 1, Imus, Cavite kahapon ng madaling araw  matapos na ito ay dukutin.

Kinilala ang biktimang si Kim Jasper Hernandez, 24, residente ng Blk.9, Lot 59, Mutual Homes Phase 1, Brgy.Putatan, Muntinlupa City.

Sa ulat, dakong alas-12:30 ng madaling-araw ng matagpuan ng mga miyembro ng PCP-3 Imus habang nagsasagawa ng roving patrol ang biktima na agad na dinala sa ospital.

Lumalabas sa im­bestigasyon, dakong alas-9:30 ng gabi habang naglalakad ang biktima sa Alabang-Muntinlupa City Public Market nang ito ay lapitan ng 2 lalaki na sakay ng motorsiklo at tinutukan ng patalim.

Walang nagawa ang biktima nang ito ay puwersahang isinakay sa motorsiklo sa takot na itusok ang patalim na nakatutok.

Habang umaandar ay kinuha ang pera, alahas, pitaka at mga iba pang mapapakinabangan sa biktima.

Ibinaba ang biktima ng mga suspek sa nasabing lugar na nakagapos ang paa’t kamay bago tuluyang tumakas.

vuukle comment

ALABANG-MUNTINLUPA CITY PUBLIC MARKET

BRGY

CAVITE

DAANG HARI ROAD

HABANG

KIM JASPER HERNANDEZ

MUNTINLUPA CITY

MUTUAL HOMES PHASE

PASONG BUAYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with