^

Police Metro

Libong katao apektado... 2 patay, 7 nawawala sa baha

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Dulot ng malalakas na pagbuhos ng ulan na sanhi ng Inter-Tropical Convergence Zone sa Western Visayas at Central Mindanao ay libong residente ang naapektuhan ng baha na kung saan ay naiulat ang pagkasawi ng dalawang katao at pagkawala ng pitong iba pa.

Sa report kahapon ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), kinilala ang mga nasawing sina  Angelo Clavines,10 sa Molo, Iloilo City, at Adan Anacan ng Leganes, Iloilo matapos kapwa makur­yente sa baha.

Ang mga nawawala matapos tangayin ng rumaragasang baha ay sina John Paul Obaridas, 15 at Anthony Jardaleza, 16, at tatlong inaalam pa ang mga pangalan na kapwa residente ng Mandurriao, Iloilo City.

Nawawala rin ang magsasakang si Maungko Mastura, 35, na tina­ngay ng  malakas na agos habang tumatawid sa Lumab­ka River sa Brgy. Buyo sa bayan ng Buldon at Gilbert Columbres, 29 na inabutan naman ng baha habang tinatangkang tumawid sa Simuay River, Pigcawayan, North Cotabato.

Nasa 11,688 pamilya o kabuuang 58,666 katao mula sa Region VI, IX at Autonomous Region in Muslim Mindanao ang apektado ng mga pagbaha sa may 51 barangay at kasalukuyang nasa mga evacuation centers.

Nabatid pa na nasa 50 bahay.

ADAN ANACAN

ANGELO CLAVINES

ANTHONY JARDALEZA

AUTONOMOUS REGION

CENTRAL MINDANAO

GILBERT COLUMBRES

ILOILO CITY

INTER-TROPICAL CONVERGENCE ZONE

JOHN PAUL OBARIDAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with