^

Police Metro

Ginang takot sa dengue, nagbigti

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Ang sobrang takot umano ng isang 31-anyos na misis sa nakamamatay na dengue, ang dahilan nang pagbibigti nito sa puno ng kawayan kamakalawa sa Brgy. Balintawak, Escalante City, Negros Occidental.

Natagpuang lawit ang dila at nangingitim na ang mukha ng biktima na si si Louena Panagini, residente sa nasabing lugar nang ito ay madiskubre.

Sa ulat ng pulisya, dakong alas-5:00 ng umaga nang madiskubre ang nakabigting bangkay ng biktima na nakatali ng sweatshirt sa leeg sa puno ng kawayan.

Sa pahayag ng kapatid ng biktima na si Bebeth Mahusay, na bago ang insidente ay sinabi sa kanya ng biktima na natatakot siya dahilan naghihinala na mayroong siyang sakit na dengue matapos ang ilang araw na lagnat at pamamantal ng katawan.

Nang magpa-checkup ang ginang sa doktor ay lumabas ang resulta na may allergy ito na hindi nito pinaniwalaan at  iginiit na dengue ang kaniyang sakit  at nagkulong na ito sa kaniyang silid.

Narekober ng mga otoridad ang isang suicide note na nagsasaad ng pamamaalam at pagsasabing winakasan niya ang kaniyang buhay dahilan baka mahawa pa ang kaniyang pamilya sa dengue.

BALINTAWAK

BEBETH MAHUSAY

BIKTIMA

BRGY

ESCALANTE CITY

LOUENA PANAGINI

NANG

NAREKOBER

NATAGPUANG

NEGROS OCCIDENTAL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with