^

Police Metro

6 sugatan… misis dedbol sa ambush

Tina Timbang - Pang-masa

MANILA, Philippines - Patay ang isang ginang habang su­gatan ang anim na katao nang ratratin ng hindi pa nakikilalang mga suspek ang sinasakyan ng mga ito habang binabagtas ang Aguinaldo Highway, Imus, Cavite.

Dead-on-arrival sa ospital ang biktimang si Durian Pangandapon habang sugatan naman sina Ibame Hadjiasis, barangay konsehal; Haifah Hadjiasis, Hadji Raihana Makalangan, Jeffrey Sanchez, Jamael Hadjitaha at Inocaya Hadjitaha.

Ayon sa ulat ng pulisya, naganap ang insidente dakong alas-5:30 ng hapon kamakalawa sa tapat ng Robinson’s Imus Tanzang Luma 5, kung saan galing ang biktima sa Cavite Police Provincial Office dahil kasama ito sa imbestigasyon hinggil sa nakumpiskang shabu, marijuana at baril sa asawa nitong si Macatiwas Pangandapon na dinakip din ng pulisya.

Unang sinalakay ng mga otoridad ang Barangay Datu Esmael, Dasmariñas City. Nakisabay lang umano ang biktima sa Toyota Innova (WQD 945) ng konsehal ng Brgy. Datu Esmael na si Ibame Hadjiasis, kasama ang misis nitong si Haifah Hadjiasis at iba pang biktima ng pagbabarilin ng di pa matukoy na bilang ng mga suspek.

Malaki naman ang hinala ng mga biktima at ng pulisya na si Konsehal Ibame ang target ng mga suspek dahil sa pagiging “witness” nito sa mga isinagawang imbentaryo ng mga nakalipas na drug raid dito. Iimbestigahan rin ang anggulong“drug war” na kinasasangkutan ng mga drug pushers dito.

AGUINALDO HIGHWAY

BARANGAY DATU ESMAEL

CAVITE POLICE PROVINCIAL OFFICE

DATU ESMAEL

DURIAN PANGANDAPON

HADJI RAIHANA MAKALANGAN

HAIFAH HADJIASIS

IBAME HADJIASIS

IMUS TANZANG LUMA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with