^

Police Metro

Swiss sinalvage sa palayan

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines – Isang Swiss national ang natagpuang patay sa palayan matapos na pagsasaksakin ng hindi pa kilalang mga suspek na naganap sa Brgy. Togbongon, Surigao City, Surigao del Norte.

Ang nasawing biktima ay nakilala sa nakuhang identification card na nakuha sa katawan nito na si Florian Mayer, tubong Geneva, Switzerland.

Sa ulat, bandang alas-9:45 ng umaga nang matagpuan ang bangkay ni Mayer na duguang nakadapa sa palayan na nakasuot ng kulay itim na sando, maong na shorts at kulay itim na sapatos na nadiskubre ng isang Herbert Gibertas, 18 na napadaan lang sa lugar.  Tadtad ng mga saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan ng biktima partikular na sa dibdib, leeg, ulo at bukod dito ay nagtamo rin ito ng mga galos sa kaniyang likod.

Ayon sa pulisya maaaring  sa ibang lugar pinaslang ang biktima at itinapon lamang ito sa lugar upang ilihis ang imbestigasyon dahil sa mga bakas ng behikulo na nakita at nasa dalawa hanggang tatlo katao ang suspek dahil sa  magkakaibang mga bakas ng paa na nakita.

AYON

BRGY

FLORIAN MAYER

HERBERT GIBERTAS

ISANG SWISS

MAYER

NORTE

SURIGAO

SURIGAO CITY

TADTAD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with