Engineering student nalunod sa dagat
MANILA, Philippines – Nauwi sa trahedya ang masayang paliligo sa dagat ng isang 19-anyos na engineering student ng Western Mindanao State University matapos na ito ay malunod kamakalawa sa Brgy. Maasin, Zamboanga City.
Ang biktima na kasalukuyang hindi pa nakikita ay kinilalang si Kassan Alih Limbuna, residente ng Upper Calarian ng lungsod na ito.
Nailigtas naman ang isa pang biktima na si Charlemain Corpus, 20-anyos nang pagtulungang masagip ng mga kasamahan habang unti-unti ng nalulunod sa dagat. Habang nabigo na masagip si Limbuna.
Sa ulat, dakong ala-1:45 ng hapon habang nagsisipaglangoy ang biktima kasama ang apat na kasama sa nasabing beach nang bigla na lamang tinangay ng malakas na alon sina Limbuna at Corpus.
Nagsasagawa na ng search operations ang mga elemento ng Zamboanga City Police at ang Philippine Coast Guard (PCG) upang marekober ang katawan ni Limbuna.
- Latest