Jeepney groups ayaw sa balik P8 minimum fare
MANILA, Philippines – Hindi umano pabor ang ilang transport group na ibalik sa P8.00 ang minimum fare sa jeep mula sa kasalukuyang P8.50.
Ito ang sinabi ni Goerge San Mateo, national President ng Pinagkaisang Samahan ng mga Tsuper at Operators Nationwide (PISTON) dahil sa wala pang kakayahan ang mga operator at driver na muling ibalik sa P8.00 ang minimum fare dahil umaabot pa sa P40.00 ang average na presyo ng diesel kada litro sa Metro Manila, P43.00 sa mga lalawigan at P47.00 ang kada litro ng diesel sa Cordillera, Visayas at Mindanao.
Kung bababa anya sa P37.00 ang kada litro ng diesel at P42.00 ang ibababa sa presyo ng gasoline na gamit ng mga multicabs ay papayag na silang maibaba sa P8.00 ang minimum fare.
- Latest