^

Police Metro

Mayor Binay atbp., pinatatanggal sa puwesto

Pang-masa

MANILA, Philippines – Matapos umanong mapatunayan sa mga dokumentong isinumite nina Makati Mayor Junjun Binay at mga konsehal na may naganap na sabwatan sa umano’y overpriced na Makati Parking Building II na naglaan ng P2.7-bilyong pondo sa pagpapatayo nito kaya’t hiniling ng mga residente ng Makati sa Office of the Ombudsman na tanggalin ang  mga ito sa puwesto.

Batay sa 15-pahinang consolidated reply na isinumite kahapon sa Ombudsman ay hiniling din nina lead convenors ng United Makati Against Corruption (UMAC) Atty. Renato Bondal at Nicolas “Ching” Enciso VI na isama ang mga opisyales ng Hillmarc’s Construction Corporation sa kasong plunder na nakasampa laban kay Mayor Binay at sa ama nitong si Vice President Jejomar Binay.

Ayon kay Bondal, napatunayan sa mga dokumentong hawak ngayon ng Ombudsman ang sabwatan ng mag-amang Binay, mga konsehal, Hillmarc’s, at opisyal ng Commission on Audit (COA) para patungan ang presyo ng konstruksyon ng Makati Parking Building.
Ayon kay Bondal ang mga dokumento ay ibinigay mismo ng mga akusado sa Ombudsman bilang pagtalima sa utos ng nasabing ahensya.

Kaya’t anya ay pinatunayan lamang na ang akusasyon ay may sapat na ebidensya para suspendihin ang akusado sa salang paglabag sa plunder law, Anti-Graft and Corrupt Practices Act, Gross Abuse of Authority at Gross Neglect of Duty.

ANTI-GRAFT AND CORRUPT PRACTICES ACT

AYON

BONDAL

CONSTRUCTION CORPORATION

GROSS ABUSE OF AUTHORITY

GROSS NEGLECT OF DUTY

HILLMARC

MAKATI PARKING BUILDING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with