^

Police Metro

Solon lumahok sa HK protest rally

Rudy Andal - Pang-masa

MANILA, Philippines – Lumahok si Akbayan Partylist Rep. Walden Bello sa pro-democracy protest rally sa Hong Kong at ang ginawa nito ay bilang isang ordinar­yong citizen at hindi bilang isang miyembro ng Kamara.

Ito ang sinabi ni PCOO Sec. Herminio Coloma Jr., at walang pahintulot ng gobyerno ang paglahok nito.

“Such being the case, it cannot be viewed as interfering in the internal affairs of China,” wika pa ni Sec.  Coloma.

Sa panig naman ni Presidential Spokesman Edwin Lacierda, bagama’t ginagalang nila ang sariling desisyon ni Rep. Bello ay pangunahing concern pa rin ng Pilipinas ang kaligtasan ng mamamayan ng Pilipinas sa HK.

Magugunita na pinayuhan ng gobyerno ang mga Filipino na nasa HK na huwag sasali sa protest rally at lumayo sa mga kilos protesta para sa kanilang kaligtasan.

Huwag magtutungo ang mga Pinoy sa Central, Admiralty, Tim Mei Avenue, Lung Wei Road Causeway Bay, Mongkok, Wan Chai at go­vernment headquarters sa Tamar kung saan nagaganap ang kilos protesta.

AKBAYAN PARTYLIST REP

HERMINIO COLOMA JR.

HONG KONG

LUNG WEI ROAD CAUSEWAY BAY

PILIPINAS

PRESIDENTIAL SPOKESMAN EDWIN LACIERDA

TIM MEI AVENUE

WALDEN BELLO

WAN CHAI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with