LRT nagbigay ng libreng sakay sa mga senior citizens
MANILA, Philippines - Nagbigay ng libreng sakay kahapon ang pamunuan ng Light Rail Transit (LRT) sa mga senior citizen bilang selebrasyon ng Elderly Filipino Week na labis ikinatuwa at ipinagpapasalamat ng mga ito.
Tinatayang daang senior citizen ang nakinabang sa libreng sakay ng LRT-1 at 2 na isinagawa simula alas-5:00 ng umaga hanggang sa pagtatapos ng revenue service.
Kinailangan lamang ng mga matatanda na magpakita ng senior citizen’s ID sa mga guwardiya sa istasyon ng tren upang makasakay ng libre. -Mer Layson-
- Latest