^

Police Metro

Turistang Ruso pigtas ang tenga sa snatcher

Pang-masa

MANILA, Philippines - Isang babaeng turis­tang Ruso ang napigtasan ng tenga matapos na pitasin ang hikaw nito ng isang snatcher habang naglalakad kahapon sa Ermita, Maynila.

Kinilala ang biktimang si Olga Nikitina, 46-anyos, pansamantalang nanunuluyan sa Jade Hotel & Suite sa no.1120 Don Chino Roces St., Makati City.

Agad namang nadakip ang suspek na si Jerry Gastrado, alyas “Boy Palaka”, 31-anyos, miyembro ng Sigue Sigue Sputnik gang, tubong Iloilo at residente ng Barangay Sapa 2, Cavite City.

Batay sa ulat, dakong 12:15 ng hapon ay nagla­lakad ang biktima kasama ang mister na si Alexander sa Plaza Lawton, Ermita nang hablutin ng suspek ang magkabilang hikaw sa tenga ng biktima na naging dahilan para mapilas ang tenga nito.

Namataan ng mga nagpapatrulyang pulis na sina Insp. Del Rosario, at PO3 Edgar Morada kaya’t hinabol ang suspek hanggang sa makorner ito habang hawak pa ang pares ng hikaw.

Nabatid din na ang suspek ay may isang linggo pa lamang nakalalaya sa kaparehong kaso. - Ludy Bermudo-

 

vuukle comment

BARANGAY SAPA

BOY PALAKA

CAVITE CITY

DEL ROSARIO

DON CHINO ROCES ST.

EDGAR MORADA

ERMITA

JADE HOTEL

LUDY BERMUDO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with