^

Police Metro

Kelot Napagkamalang magnanakaw utas

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines - Patay ang isang 52-anyos na miyembro ng Sigue-sigue sputnik gang nang magtatakbo, tu­malon sa creek at umakyat pa sa bubong ng isang bahay at nakita na lang na bumagsak sa lupa sa Pandacan, Maynila, kahapon ng madaling araw.

Kinilala ang biktimang si Renato Robles ng No. 2056 Lozada St., Pandacan, na nagtamo ng dalawang bala sa dibdib. Wala namang matukoy na pagkilanlan ng suspek na responsable sa pamamaril sa biktima.

Sa imbestigasyon ng Manila Police District-Homicide Section, dakong alas-12:15 ng madaling-araw nang makarinig ng mga putok ng baril ang mga residente, kasunod ng komosyon sa Guanzon compound na matatagpuan sa No. 1131 Teodoro San Luis st., Pandacan.

Inakala pa ng mga tao na ang lalaki ay miyembro ng “Akyat-Bahay” dahil marami na umanong insidente ng nakawan na pumapasok sa mga bahay-bahay doon su­balit natuklasan ng mga pulis na rumesponde sa reklamo ng isang alyas “Susan” hinggil sa panggagahasa umano sa kaniya, bagamat wala pang malinaw na detalye.

Sa pagresponde ng mga pulis, nakita ang biktimang si Robles na walang pang-itaas at sumasakay ng bisikleta kaya ito sinita. Sa halip umanong tumigil ay nagtatakbo hanggang sa tu­malon sa creek at umakyat sa pader papasok sa Guanzon compound. Nang abutan umano ang biktima ay naka­bulagta, duguang walang buhay dahil sa tama ng bala sa kaliwang bahagi ng katawan, sa bubong ng nasabing bahay.

AKYAT-BAHAY

GUANZON

INAKALA

KINILALA

LOZADA ST.

MANILA POLICE DISTRICT-HOMICIDE SECTION

PANDACAN

RENATO ROBLES

TEODORO SAN LUIS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with