2 batang magkapatid natusta sa sunog
MANILA, Philippines - Tustado ang dalawang batang magkapatid nang aksidenteng makulong ng apoy sa loob ng nasusunog na tahanan ng mga ito sa Brgy. Tayud, Consolacion, Cebu kamakalawa.
Kinilala ang mga nasawing biktima na sina Ralfh Balmores, 6 anyos at Jerah Balmores, 5 anyos; kapwa nagtagpuang magkayakap ang halos nagmistulang uling na bangkay ng mga ito.
Sa ulat ng Cebu Fire Marshal, bandang alas-10:30 ng umaga ng makatanggap sila ng ulat hinggil sa nasusunog na tahanan ng mga Balmores sa Sitio East Binabag, Brgy. Tayug sa bayan ng Consolacion, kung saan nagsimula ang apoy sa kuwarto ng magkapatid.
Nabigo namang mailigtas ang dalawang bata dahilan nababalutan na ng apoy ang buong kabahayan. Lumilitaw naman sa inisyal na imbestigasyon na naglaro ng posporo ang dalawang bata na pinagmulan ng sunog matapos ang mga itong maiwan ng kanilang mga magulang habang naglalaro sa kanilang silid.
- Latest