^

Police Metro

Tambay tigok sa ‘drug pusher’

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines - Dead on the spot ang isang tambay at sugatan naman ang isang dating pulis nang pagbabarilin ng isang umano’y  “drug pusher” habang magka-angkas sa motorsiklo, sa  Tondo, Maynila, kahapon ng umaga.

Kinilala ang nasawi na si Rogelio Cruz, 43,  may asawa, residente  ng  No. 367 Llana St., Tondo, na nagtamo ng limang bala sa katawan,  habang sugatan naman si PO2 Gilbys Naboa, na umano’y  dismiss na sa serbisyo.

Ang suspek ay kinilala lamang sa alyas na “Eko” at tumakas umano bitbit ang 9mm pistol na ginamit sa pamamaril.

Sa ulat ng Manila Police District-Homicide Section, dakong  alas-10:45 ng umaga nang maganap ang insidente  habang umano’y paikut-ikot ang dalawang biktima na magka-angkas at pagsapit sa  panulukan ng Pacheco at Osmeña Sts., sa Tondo ay lumutang ang suspek at binaril ang mga ito.

Narinig din ang pakiusap umano ni Cruz na “wala akong atraso sa iyo pare”  bago ang sunod-sunod na putok na umalingawngaw.

Bumagsak  sa semento si Cruz mula sa motorsiklo  at si Naboa na may tama ng bala sa paa ay pinaharurot ang motorsiklo. Ipatatawag ang nasabing pulis para magbigay-linaw sa insidente  at para madakip ang suspek.

 

BUMAGSAK

CRUZ

EKO

GILBYS NABOA

LLANA ST.

MANILA POLICE DISTRICT-HOMICIDE SECTION

ROGELIO CRUZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with