^

Police Metro

8 pulis-Maynila sa hulidap, AWOL na

Doris Franche-Borja - Pang-masa

MANILA, Philippines – Mga AWOL (Absence Without Official Leave) na ang  walong pulis ng Manila Police District  na sangkot sa  pangongotong sa  isang Pakistani natio­nal noong Setyembre 19.

Ito inihayag ni Chief Insp. Artemio Riparip, hepe ng MPD-Gene­ral Assignment Section matapos na mabigo pa rin ang mga pulis na lumutang sa kabila ng  ultimatum na inilabas ni  MPD Director, Chief Supt. Rolando Asuncion.

Ang mga suspek na pulis ay kinilalang sina P/Sr. Insp. Rommel Geneblazo, hepe ng Anti-Carnapping and Hijacking Unit; mga tauhan na sina SPO1’s Michael Dingding, Gerry Rivera, Jay-An Pertubos, Jonathan Moreno, PO2s Renato Ochinang; Marvin dela Cruz at isang pang pulis na inaalam pa ang pangalan.

Anya, ang hindi pagsuko ng mga pulis ay maituturing umanong indikasyon ng kanilang  pagiging ‘guilty’ sa kasong robbery extortion at paglabag sa Republic Act 3019 o Anti-Graft and Corrupt Practices Act.

Ang kaso laban sa mga pulis ay nag-ugat sa reklamo ng negos­yanteng si Kamran Khan Dawood, 39, ng Anna­polis St. San Juan City, matapos pagbintangan ng mga pulis na sangkot   sa carnapping at hiningan ng   halagang P100,000  kapalit ng pagpapalaya.

Hindi tumupad ang mga pulis kung kaya’t nagreklamo ang biktima. 

 

ABSENCE WITHOUT OFFICIAL LEAVE

ANTI-CARNAPPING AND HIJACKING UNIT

ANTI-GRAFT AND CORRUPT PRACTICES ACT

ARTEMIO RIPARIP

ASSIGNMENT SECTION

CHIEF INSP

PULIS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with