Haharap na sa Senado bitbit ang SALN
MANILA, Philippines - Walang plano si Philippine National Police (PNP) Chief Director General Alan Purisima na magbitiw sa puwesto sa kabila ng kaliwa’t kanang mga pagbatikos.
Sinabi ni Sr. Supt. Wilben Mayor, Spokesman ng PNP, alingasngas lamang at walang katotohanan ang kumakalat na balitang nagplaplano ng magbitiw sa puwesto si Purisima tulad ni Budget Secretary Florencio Abad na nagsumite ng resignation letter kay P-Noy pero ‘di tinanggap.
Kaugnay nito, tiniyak naman ni Mayor na dadalo ngayong araw si Purisima sa pagdinig ng Senate Committee on Peace and Order na pinamumunuan ni Senator Grace Poe.
Sa pagdalo ni Purisima sa Senado ay dala nito ang kanyang mga legal counsels ang magsasalita hinggil sa mga kontrobersyal na isyung ibinabato laban dito.
Ayon kay Mayor dala ni Purisima sa kaniyang pagharap sa komite ang kinukuwestiyong Statements of Assets and Liabilities and Net Worth (SALN) para ipaliwanag.
Si Purisima ay kababalik lamang sa bansa galing sa isang “official mission.”
- Latest