^

Police Metro

Santo Papa bantay-sarado ng 2 batalyon sundalo

Ricky ­Tulipat - Pang-masa

MANILA, Philippines - Para masiguro ang kaligtasan sa pagdalaw sa bansa ni Pope Francis sa susunod na taon ay nasa dalawang batalyon na sundalo ang ipapakalat ng Armed Forces of the Philippines (AFP).

Inatasan ni AFP Chief of Staff Gen. Gregorio Pio Catapang ang 7th at 8th Philippine Contingent sa Golan Heights para magbuo ng security team para sa Santo Papa.

Sa kasalukuyan, sinuspinde ng Pilipinas ang pagpapadala ng peacekeeping operations sa Golan Heights, Syria.  

Ang mga nakabalik na peacekeepers kamakailan mula sa Golan Heights, gayundin ang unit na nakatakdang pumalit sa kanila ay nasa standby status.  

Ang nasabing mga unit ay ilalagay sa ilalim ng operatio­nal control ng PNP na siyang mangangasiwa sa pangkalaha­tang security para sa apat na araw na pagbisita ng Papa sa bansa.

ARMED FORCES OF THE PHILIPPINES

CHIEF OF STAFF GEN

GOLAN HEIGHTS

GREGORIO PIO CATAPANG

INATASAN

PHILIPPINE CONTINGENT

PILIPINAS

POPE FRANCIS

SANTO PAPA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with