^

Police Metro

Inakalang laruan... Baril nilaro, paslit dedo

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Inakalang laruan ang isang baril na nakita ng isang 6-anyos na batang lalaki sa kanyang silid nang paglaruan ay bigla itong pumutok na tumama sa kanyang dibdib kamakalawa sa bayan ng La Trinidad, Benguet.

Hindi na umabot ng buhay sa ospital ang biktima na itinago sa palayaw na Aldrin, anak ng mag-asawang Clifford at Leticia, kapwa 45-anyos.

Bago nangyari ang insidente dakong alas-8:35 ng umaga sa ikatlong palapag ng Room 1, ng Cecilia Beding Densen’s Apartment na matatagpuan sa KM 5, Brgy. Pico, La Trinidad ng lalawigan ay hindi pumasok ang biktima sa eskwelahan nang mapansin nito sa kanyang silid ang plastic rook ng book tray at may nakapatong na baril na inakala nitong laruan.

Dali-daling inabot ng bata na tumuntong pa sa silya ang nasabing armas na isang homemade cal. 22 paltik at pinaglaruan ito nang biglang pumutok na tumama sa kanyang katawan at naglagos sa likod.

Ayon sa ina ng biktima na ang nasabing baril ay pag-aari ng kaniyang kaibigang si Dave Denver Tindo ng Bakun, Benguet na inihabilin at ipinatago lamang sa kaniya.

Pinag-aaralan ng pu­lisya kung maaaring kasuhan ang may-ari ng baril na si Tindo.

 

vuukle comment

AYON

BAKUN

BENGUET

BRGY

CECILIA BEDING DENSEN

CLIFFORD

DAVE DENVER TINDO

INAKALANG

LA TRINIDAD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with